- 1/2 kilong giniling na karneng baboy
- 1 inahing manok
- 1 puswelong sweet pickles
- 2 chorizos de Bilbao
- 2 nilagang itlog
- 3 itlog (sariwa)
- 1/4 na kilong hamon
- 1/4 puswelong ginadgad na keso, toyo, asin, pamita
Himulmulan at linisin ang manok. Maingat na alisin ang mga buto't laman. Ingatan upang huwag mapunit ang balat. Sa bandang tiyan dukutin at palabasin ang mga laman at buto. Ibabad ang balat sa toyong may kalamansi.
Gilingin ang laman ng manok. Ihalo rito ang giniling na baboy, chorizo, hamong hiniwa ng pino, keso, pickles (tinadtad), itlog na sariwa at saka timplahan ng toyo, asin at pamintang durog. Paghaluing mabuti ang mga sangkap na ito at ipalaman sa balat ng manok. Siksiking mabuti nang nakapagitna ang mga nilagang itlog (buo).
Tahiin ang balat ng pinalamanan ng mga sangkap at isalang ang relyeno nang dalawang oras sa pugon. O kaya'y pasingawan ito sa kalderong maay mahigpit na takip.

Mag-post ng isang Komento