- 1 matabang inahing manok
- 1 itlog na nilaga
- 1 longganisa (bilbao)
- ½ kilo atay ng baboy
- 2 kalamansi
- 1 kutsarang toyo
- kaunting paminta
- kaunting mantikilya
Paraan;
Patayin ang isang inahing manok na mataba at alisan ng lamang loob. Kung malinis na ang manok ay ilagay sa loob ang lahat ng kahalong nababanggit sa itaas. Pagkatapos ay tahiing mabuti upang huwag sumabog ang dahon ng sampalok. Magpabaga ng maraming matitigas na kahoy at kung handa na ay litsunin na ang manok sa uling na gaya ng ginagawa sa paglilitson ng baboy. Gamitin ang mantika na pambasa sa katawan ng manok. Kung luto na'y hanguin. Ganito naman ang paggawa ng sarsa para sa litsong manok. Lutuin sa baga ang atay at saka bayuhin sa almires. Magpabango ng bawang sa mantika at dito ilalagay ang harina o biskotsong dinurog at isang kutsarang asukal. Sabawan ng kalahating tasang tubig at timplahan ng asin at suka. Kung luto na ay hanguin at ihaing kasama ang manok. Lagyan ng kaunting paminta.
Mag-post ng isang Komento