- 1/2 Manok
- 3 kamatis na hinog
- 1 sibuyas
- 1 siling pula
- 3 butil na bawang
- 2 kutsarang mantika
- 2 kamote o 3 patatas
Pababanguhin ang tatlong butil na bawang sa mantika, sunod na ilalahok ang sibuyas at ang kamatis at ang manok na pagpuputulputulin ay dito gigisahin, saka sasabawan ng isang basong tubig. Kapag kalahati na ang pag kaluto ng manok, ay ihalo ang kamote at titiplahan ng asin. Pababayaan sa apoy hanggang lumapot ang sabaw.
Mag-post ng isang Komento