- 1 tasang manok na tinadtad
- 1 sibuyas na tinadtad
- 6 na patatas
- 6 na kutsaritang mantika, bago at malinis
- 2 butil na bawang
- 2 kamatis na tinadtad at malaki
- 1 itlog
- katamtamang asin
- 3 kutsaritang dinurog na biskotso
Magagamit sa lutong ito ang natirang manok na inihaw, pesa, o pinirito at iba pa. Sa mantika, kahit ito'y nagamit na, ay papabanguhin ang bawang, at kung mabango na, ay ilalahok ang sibuyas, ang kamatis, ang asin, at dito gigisahin ang manok. Kapag luto na ay ilalagay na sa isang pinggan at babahagilin sa anim o walong tumpok na magkasindami. Ilaga ang patatas, saka talupan at duruging mabuti ng tinidor hanggang sa maging haleya. Babahagihin din sa anim o walong tumpok, na pare-pareho at gagawing bola-bola ang bawa't tumpok na dudurugin sa dinurog na biskotso upang maisilid sa loob ng manok na nauukol. Ang bawa't bola-bola ay ihuhulog sa binating itlog at pipirituhin sa mantika hanggang sa pumula ang kulay.
Mag-post ng isang Komento