Paalala:

Ang mga imahe na nasa loob ng mga artikulo o recipe ay hindi 100 posiyentong garatisadong lalabasan ng mga recipe. Ito ay isang pattern lamang ng kalalabasang pagkain.
MeniacMachine


  • 1 katamtamang laking manok, ilaga at himayin
  • 1 sibuyas, hiwain
  • 1 ulong bawang, dikdikin
  • 2 kutsaritang mantikilya
  • 1 niyog, kayurin asin at paminta
  • 1 pirasong luya
  • 1 kutsaritang curry powder
  • 1 latang gisantes
Pigain ang niyog nang makakuha ng isang tasang gata. Itabi sandali. Samantala, tunawin sa kawali ang mantikilya. Papulahin ang mga bawang at ihalo ang sibuyas. Isama rin ang katas ng luya (piniga mula sa kapirasong luya) at ang hinimay na nilagang manok. Budburan ng curry powder at ipagpatuloy ang pagluluto sa katamtamang init. Tiplahan ng asin at paminta upang magkalasa. Lutuin nang mga limang minuto pa. Ihalo ang gata ng niyog. Hanguin sa apoy. Isama ang gisantes at ihaing kasabay ng mainit na kanin.
0 Responses

Mag-post ng isang Komento